1. Ang buhay ay parang gulong
Minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim
2. Ang buhay ay parang tanghalan
Lahat tayo ay may papel na ginagampanan
3. Mahiwaga ang buhay ng tao
Ang bukas ay di natin piho
4. Kung ano ang tass ng pagpalipad,
Sayang lagapak kung bumagsak
5. Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.
6. Kapag ang tao'y matipid
Maraming maililigpit.
7. Ano man ang gagawin,
Makapitong iisipin.
8. Ang hindi napagod magtipon
Walang hinayang magtapon.
9. Madali ang maging tao
Mahirap magpakatao.
10. Ang tunay na anyaya
Sinasamahan ng hila.
11. Ang magalang na sagot
Ay nakakapawi ng poot.
12. Ang gawa sa pagkabata
Dala hanggang pagtanda.
13. Pag di ukol
Ay di bubukol.
14. Kung sino ang masalita
Ay siyang kulang sa gawa.
15. Daig ng maagap
Ang taong masipag.
16. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing
Saka ng maluto'y iba ang kumain.
17. Ubus-ubos biyaya
Pagkatapos nakatunganga.
Salawikain/ Kasabihan tungkol sa buhay ng tao
by Baloydi Lloydi , at 9/07/2011 06:04:00 PM , has 19
comments

About
Salawikain/ Kasabihan tungkol sa buhay ng tao - written by Baloydi Lloydi
Google+, published at 9/07/2011 06:04:00 PM, categorized as kasabihan , Salawikain
. And has 19
comments
19
comments Add a comment
LOL nalang tayu....account ko gwapoX
ang bad nyo..pangit kayo magtrash talk..hahaha