Sa wikang Filipino ay may iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko. Isa na rito ay ang pag-aasimila ng mga salita.
1. Ang asimilasyon ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito. Kinabibilangan ito ng mga panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na maaaring maging sin- o sim. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impuwensya ng kasunod na katinig. Ang mga salitang inuunlapian ng sin- at pan- ay mga salitang nagsisimula sa /d, l,r, s, t/.
Halimbawa:
Sing + tanyag > sin + tanyag > sintanyag
Pang + lasa > pan + lasa > panlasa
Ang mga salitang inuunlapian ng sim- at pam- aymga salitang nagsisimula sa /b, p/.
Halimbawa:
Sing +bango + > sim + bango > simbango
Pang + bansa > pam + bansa > pambansa
Ang mga salitang inuunlapian ng sing- at pang- o yung mga walang pagbabagong nagaganap ay mga salitang nagsisimula sa pantig /a, e, l, o, u/ at katinig na /k, g, h, m, n, w, y/.
Halimbawa:
Sing + galing > sing + galing > singgaling
Sing + mahal > sing + mahal > singmahal
Pang + kalendaryo > pang + kalendaryo > pangkalendaryo
Pang + katalogo > pang + katalogo > pangkatalogo