Ang pang-uri ay mga salitang nalalarawan o nagbibigayturing sa pangngalan at sa panghalip.
Ang pang-uri ay may kaantasan o kasidhain. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Lantay – kung ang tuon ng paglalarawan ay nakapokus sa isang bagay lamang. Ito’y basal na paglalarawan.
2. Pahambing – kung ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay, lugar, hayop, Gawain, pangyayari. Ang paglalarawan ay nakatuon sa dalawa:
a. Pahambing na Magkatulad
Sa magkatulad na katangian ay gumagamit ng mga panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.
b. Pahambing na Di-magkatulad
1) Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghambing. Gumagamit ng higit, lalo, mas, di-hamak.
2) Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, di-masyado.
3) Pasukdol – kapag ang paglalarawan o paghahambing ay katauon sa higit sa dalawang bagay o tao. Ang paglalarawan o paghahambing ay maaaring pinakamababa o pinakamataas. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tu
Ay, talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Pang-uri at Kaantasan Nito
by Baloydi Lloydi , at 10/10/2011 06:19:00 PM , has 0
comments

About
Pang-uri at Kaantasan Nito - written by Baloydi Lloydi
Google+, published at 10/10/2011 06:19:00 PM, categorized as pang-uri
. And has 0
comments
0
comments Add a comment
Bck