Ang komposisyon o katha ay binubuo ng mga talata. Ang talata naman ay binubuo ng lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi palagay o paksang diwa.
Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan:
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposiyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksang nais, talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipninapilwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran.
2. Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo it nng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.
3. Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad angg mahahalagang kaisipan na nabangit sa gitna talata. Minsa, ginagamit ito upang bigyanglinaw ang kabuuan ng komposisyon.